Tags
Dahil malapit na ulit na matapos ang taon, o kung hindi man ang gunaw na sinasabing magaganap sa 21 December, naisip kong mag post bago man lang matapos ang lahat, sayang din kasi ang binayad ko sa domain kung hindi ito magkakalaman hahaha.
Oe ano ba naman kasi ang bago sa akin, maliban sa nalagasan ako ng 2 pounds sa timbang matapos ang puspusang diet ng isang buwan. Ganito yata talaga ang buhay ng mga OFW, kung hindi ka mamumurit eh tataba ka naman ng walang puknat kaya nag isip ako ulit ng pwedeng pagkaabalahan. Naisip ko na keysa pumasok ako sa bisyo tulad ng pambabae, bakit hindi ko na lang ituloy ang pangongolekta ko ng pabango na dati ko ng hobby, besides kuntento na ako na si “M” na lang ang tanging bisyo sa buhay OFW ko (insert ang mala haliparot na hagikgik dito). Papayat ka sa hobby na ito dahil magastos siya talaga wahahaha.
Dati na akong mahilig sa pabango (tulad ng chinorva ko sa itaas), natatandaan ko na madalas akong pumupuslit sa kuwarto ng mga ate ko para mag spray ng mga pabango nila bago ako pumasok sa school, ginawa ko iyan hanggang college ng hindi nila nahalata lels. Nung nag migrate sila sa Amerika, madalas nila akong binibilhan ng Jovan, Charlie, at Ax (ang baduy ang taste ng mga ate ko sa pabango, walang ka klasklas!) wahahahaha juke lang!
Nag umpisa akong mag seryoso sa pangongolekta nuong bago pa lang ako dito sa disyerto, at itinuloy ko ulit nuong January 2012 dahil naimpluwensiyahan ako ng isa kong opismeyt, bumili ako ng mga piling designer’s perfumes na nagustuhan ko dahil nagkaroon na ako ng mga ito dati, nakatulong din ng malaki sa akin ang mga review na nababasa ko sa fragrantica at basenotes. Sa nasabing websites na yan ko nalaman na mayroon palang dalawang kategorya ang mga pabango, yung tinatawag nilang designer at yung niche perfumes; yung designer perfume ay yung mga pabango na ginagawa ng mga kilalang fashion houses like Chanel, Gucci, Hermes, YSL, D&G, Jean Paul Gaultier, Azzaro, Christian Dior, Ballenciaga, Prada, Narciso Rodriguez, Bench, kasama rin sa kategorya na ito yung kay Manny Pacquiao na Scent of the Champion (gawd nagulat ako at na excite nung malaman ko na may perfume house pala si Manny, let me guess, tuna extract ang main accord ng pabango na ito hahaha) syempre juke lang yun kasi fan ako ni Manny P.

Scent of the Champion
Yung niche perfumes naman ay yung mga ginagawa ng mga perfume houses tulad ng Creed, Annick Goutal, Kilian, Frederick Malle, Amouage, Diptyque, Serge Lutens, Swiss Arabian, Andy Tauer, Montale, Penhalligons, L’Artisan, Bond No. 9, etc.
Sampu sa mga designer’s at Niche perfumes na mayroon ako at masasabi kong paborito ko na ay ang mga sumusunod:-
Designer’s Perfumes
Narciso Rodriguez for HIM and HER
Artisan Black – John Varvatos
A*men – Thierry Mugler
Un Jardin Sur Le Nil – Hermes
Declaration Essence and D’Un Soir – Cartier
L’Instant de Guerlain pour Homme Eau Extreme – Guerlain
Encre Noire – Lalique
Dior Homme Intense – Christian Dior
Le Male – Jean Paul Gaultier
Egoiste Platinum – Chanel
Niche Perfumes
Green Irish Tweed – Creed
Silver Mountain Water – Creed
Original Santal – Creed
Jubilation XXV – Amouage
Sables – Annick Goutal
34 Boulevart Saint Germain – Diptyque
Duelle – Diptyque
L’Ombre Dans L’Eau – Diptyque
Chergui – Serge Lutens
Lady Vengeance – Juliette Has A Gun
Costume National for HIM – CoSTUME NATIONAL
Sa pangongolekta ko nalaman ang tamang pagpili ng pabango ayon sa klima kung saan ka naka base, halimbawa, sa mga tropical countries tulad ng Pilipins, ang pabango na angkop sa atin ay yung mga fresh o aquatic ang peg tulad ng Herrera Aqua, Cartier Declaration Essence, D&G Light Blue, Acqua di Gio, Higher by Dior, Creed GIT, Aventus, SWM, at Guerlain Vetiver para sa mga lalake.
Bahala na kayong mga babae mag research ng pabango na aayon sa inyo dahil hahaba na itong post ko na ito, sige try ninyo na lang ang Aqua Allegoria line ng Guerlain Wahahaha
Nalaman ko rin na mas tumatagal pala ang mga pabango sa balat ng mga asyano kumpara sa mga caucasians, sinasabi ng mga expert na may kinalaman daw ang pagiging oily ng ating balat kaya tumatagal ang pabango, taliwas ito sa una kong naisip na libag ang salarin lels.
Sa mga susunod kong mga post iisa-isahin ang mga review na nakalap ko sa mga pabango na nabanggit ko sa itaas pati na rin sa mga pabango na hindi ko naisama sa listahan, pati na rin ang mga tips sa tamang application ng mga pabango. Hindi ko alam kung may sense ba itong post na ito pero bahala na hahaha
Ciao!
tao po!
Hi JC! musta na? congrats sa inyo ni misis ang cheesy hahahaha. Ang tagal ba ng reply ko? at least wala pa namang isang taon hahahaha
pansin ko nga. super busy ba sa mga boylets? hahaha.
salamat!
Bro San Ka nakabili Ng Thierry mugler ang hirap humanap SA pinas nyan share nman po hehe
Yung totoo hindi ko rin alam hahaha. Dito kasi ako sa middle east naka base kung saan accessible ang mga niche at halos lahat ng designer perfumes (exclusive and non-exclusive lines). Try mo sa Rustan’s o sa Agora Mall kung saan mayroon kang mabibili na niche perfumes, baka meron rin silang Thierry Mugler scents dun. Thanks sa pagdalaw Onnie.
ninong kumusta na kayo ni sphereq?
nakikibalita lang, di ko rin lam email add non.
update na!
Uyy toni mustasa? ok na ulit si Sphere, nakikipagharutan na nga ulit sa blog hahaha. Musta ka na? how’s canada dear?
tutal marami ka namang koleksyong pabango ser roland eh di mano man lang ibalato mo na lang sakin ‘yung isa sa mga ‘yan. hehe.
dami nang agiw o. tsk tsk! asan na ba kasi ‘yung may-ari ng datkom na ‘to?
Uyy L musta? hahahaha pasensiya na nakalimutan ko na nga itong blog na ito buti na lang nabisita ko ulit ngayon hahahaha. Ikaw kaya ang mag balato, mayaman ka na eh, nasaan ka na ba idol? nasa Pinas ka pa ba? tingin ko wala na hahaha
Yong utot ko pwedeng ihalo sa pabango, scent of kulisaptot. lol.
Halimasmas murit.
Hoy Jakul maligayang pasko sa iyong murit ka! Namiss ko na ang kakulitan mo sa blog! :)))
Manong murit. musta?
Uyy nag koment ka pala hahaha. Napabayaan ko na yata itong kuta ko talaga lels. Ok naman manong :))
bakit may yata, alam mo naman talagang oo. lels. musta na si sphere? musta na pagmomotor sa disyerto? si noynoy nasa mindanao, tapos may alon sa dagat then ayon nasa bora na ako.
alam mo matino ako eh, ewan ko pag nandito ako matino pa rin ako. may lagnat ako eh.
ligo ka na tagpi
Ok na si Sphere kuli. Pahinga muna sa pag-momotor, matumal ang pasahero lately hahahaha. Kuli KM na!
Ninong ang alam ko lang na creed ay apostle’s creed. hehehe!
Hindi na ko gumagamit ng pabango, pinagbawalan ako dahil sa allergy. ayon!
Shaks bakit ka naman allergic sa pabango! dito hindi pwede, ang dami kasing bumbay dito, pag di ka nagpabango feeling mo isang amoy na lang kayo hahaha. Merry Christmas Anini! Wish ko sa iyo sa New Year sana mag asawa ka na hahaha
ninong di andame mo na babae este kaibigang babae pala dahil palagi kang mabango.
impernes meron ako natutunan kahit di ako nagamit ng pabango.
Hi Toni! long time no chat tau! Merry Christmas sa iyo at sa pamilya mo diyan sa Canada. Wish ko maging prosperous ang New year nating lahat :))
Wow, penge ako isa. Ubos na mga pabango ko. haha
Take your pick Reyn! siyempre charot lang yun, di ka na mabiro hahaha
Yung kay Manny P. Mukhang may suntok sa ilong. Haha. Amg sosyal mo naman talaga at pabango inaatupag mo at nagbibigay kana ng tips at magrereview ka pa. Hagisan mo nga ako ng isang aficionado dyan. Haha
Wahahaha mema lang talaga itong post na ito boss! mema post lang lels. Nagulat din ako diyan sa perfume ni Manny P. akala ko joke lang xD
base!
ang dami ko pong natutunan sir roland xD
nasa notes ko yong aqua alleguria line ng guerlain wala lang pa akong time pero iisa isahin kong amuyin ang mga nachorva mo sa itaas xD.
As in marami talaga? lels xD Try mo yan kasi mild lang ang mga iyan, parang baby powder lang ang amoy 🙂