Parang tama ang sinabi sa akin ng aking ina nuong nabubuhay pa siya na kung saan-saan ako makararating balang araw. Hindi ko alam kung ang basehan niya ay ang malimit kong pagkakaligaw nuong bata ako. Kung hindi ako nagkakamali, aabot siguro sa limang beses akong naligaw sa ibat ibang pagkakataon. Ang iba ay umabot lang ng oras dahil naibabalik naman ako agad sa amin sa tulong ng mga barangay tanod subalit may isang pagkakataon daw na umabot ng tatlong araw bago ako nakauwi sa amin LOL!

Hindi ko alam kung ako lang ba ang bukod tangi na trip ang gumala ng mag isa, hindi naman ako naniniwala na loser loner ako dahil malimit naman akong mamasyal na kasama ang mga kaibigan pero may mga pagkakataon na mas gustong kong gumala ng mag isa lalo pa’t hindi naman ako pwedeng umasa na sabayan ako ng mga kaibigan ko sa mga gusto kong makitang lugar.

May mga pagkakataon na tinatanong nila ako kung nag e-enjoy ba ako na mag biyahe ng mag isa, lalo pa’t sa ibang bansa. Mahirap ipaliwanag pero wala pa akong pinagsisisihan sa mga naging biyahe ko. Marami akong nakikilalang mga tao na hanggang ngayon ay may ugnayan pa rin ako; mga taong nakilala ko sa airport, istasyon ng tren, restaurants, palengke, at bars ahihihihi. May nakilala akong babae sa Thailand noon na inikot niya ang Asya ng mag isa, halos anim na buwan siyang nagpapalipat-lipat sa iba’t ibang bansa bitbit ang isang pagkalaki-laking backpack ahaha.

Base sa experience ko, ang dapat mo lang naman tandaan kung sakali na maisipan mong gawin ang nasabing adventure ay maging handa sa lahat ng pagkakataon. Ang ilan sa mga bagay na parati kong sinasaksak sa kukote ko sa tuwing nagbibiyahe ako ay ang mga sumusunod; (1) pagbabasa ng mga bagay-bagay tungkol sa kultura ng lugar na pupuntahan ko (2) iniiwasan ko ang magdala ng mga bagay na pwedeng pag interesan ng mga kawatan katulad ng mamahaling alahas etc (3) sinusubukan ko rin na mag blend sa mga local pero agad na dumidistansiya kung may pag aalinlangan ako sa karakter ng mga bagong kakilala (4) nagtatabi ako ng mga kopya ng aking passport, air tickets, travelers cheques, etc. (5) alamin ang telepono ng Philippine Embassy o Konsulada sa bansang pupuntahan (6) magdala ng mahigit sa isang telepono, mas mainam kung mayroon kang blackberry para mabilis mong masabihan ang mga kamag anak o kaibigan kung nasaan ka o kung saan ka pupunta, at higit sa lahat (7) pangalagaan ang baon mong pera o credit cards kung ayaw mong maging dugyot sa kalagitnaan ng iyong pagliliwaliw.

Ilang buwan mula ngayon ay susubok na naman ako ng isang biyahe abroad ng mag isa at katulad ng mga nakaraang adventures ako, mahaba-habang paghahanda ang ginagawa ko at umaasa akong hindi ito aalatin. Dalawa ang pinagpipilian ko sa ngayon, ang pamumundok o ang matagal ko ng plano na pag aralan ang pagsasayaw ng “Samba” LOL!

Wala naman sigurong masama kung susubukan natin kahit isang beses sa ating buhay ang kakaibang adventure. Ikaw? sa tingin mo kaya mong gumala ng mag isa sa isang lugar na malayo at walang kakilala? Alam mo yung kanta ni Dora? ung “Backpack”?

Dora the Explorer Backpack Song:

Backpack, Backpack!
Backpack, Backpack!

On The Backpack Loaded Up With Things And Knickknack’s Too
Anything That You Might Need I Got Inside For You

Backpack, Backpack!
Backpack, Backpack!
Yeah!!

LOL!

Advertisements