Tags

Tagumpay


Samut-saring kwento na ng pakikipagsapalaran ang narinig ko sa mga kaibigan, kasamahan sa trabaho, maging sa mga estranghero dito sa kaharian ng mga malilibog maharlika. Ang apat na sulok ng aming pansamantalang tahanan na maihahalintulad mo sa isang yungib ang aming daigdig. Payak ang buhay, iisa lang ang adhikain ng lahat, ang simpleng kanta ng isa na susundan ng isa pa, at ng isa pa hanggang sa ang boses ng lahat ay umalingawngaw at pumuno sa aming munting daigdig; ang piping saksi sa mga kaluluwang nalulungkot, lugami, natutuwa pero balot ng panibugho sa panahong may aalis, daigdig ito ng mga kaluluwang naghahanap ng kalinga at nangangarap ng tagumpay at luwalhati.

Si Russell ay larawan ng isang masayahing tao, nakakahawa at maka-alis tutuli kanyang mga halakhak. Isang araw ng Biyernes dumating siya na halatang balisa, tila may gumugulo na kung ano sa kanyang balintataw; mala alatiris sa laki ang kanyang pawis sa noo na may peklat sa bandang itaas ng kilay, basang basa na rin sa pawis ang kanyang uniporme. Tinanong siya ng lahat kung may problema siya, “Wala ito, kaya ko ito”, sabay pasok sa CR. Anong nangyari? Pare ok ka lang ba? tanong ni Jason habang kinakatok ang pintuan ng CR. Walang tugon maliban sa impit ng halinghing na nagmumula sa loob. “Kung may problema ka ‘tol pag usapan natin iyan” sambit ni Roger. “Hindi ko na kaya talaga at kailangan ko ng tapusin ito!” ang pasigaw na sagot ni Russell na ikinagulat ng lahat.

 ”Sploooooooosh plok plok, kasunod ang isang mahinang halinghing.

Ilang saglit pa ay tumambad sa aming harapan ang larawan ni Russell na hinang-hina, hugot ang lahat ng lakas sa katawan, nangangalumata na parang si Lilia Cuntapay na madalas gumanap na mananangal sa Shake Rattle & Roll movie series.

Si Marlon na abala sa pangangamot ng kanyang kuyukot ang nag init ng tubig para sa tsaa na nilahukan ng pulot pukyutan at dinikdik na tuyong dikya.

Tahimik na nilagok ni Russel ang tsaa at buong tamis na sinambit ang katagang Tagumpay.

End.

Ang sanaysay, kwento, tula, epic, o kung ano man ang tawag sa shit na ginawa ko ay ang aking tugon sa hamon ni J. Kulisap para sa kanyang Kamalayang Malaya Year 2 (ang kontest na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung may gantimpala o wala). LOL!

Advertisements