Sa araw-araw na pakikipagbalyahan natin sa buhay, marami pa rin pala tayong hindi alam tungkol sa ating mga sarili, maging sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw:
- Kumain ako kamakailan ng panis na mashed potato. Hindi sumakit ang tiyan ko. Subukan ko kaya minsan na inumin ng walang paalam ang pinabubulok na grape juice ng kasambahay ko na nakatago sa ilalim ng aming banggerahan. Meh magwawala kaya? Malamang katawan ko ang sumakit hindi tiyan hehehe
- Hindi lang pala pang kili-kili ang deodorant. Marami pa itong kapani-pakinabang na gamit dito sa disyerto kung saan ang pagkakaroon ng rashes sa singit ay isang nang pambansang isyu lalo na kapag summer. Magpahid lamang daw nito sa magkabilang singit pagkatapos maligo bago maglaro ng basketball at ikaw na ang protektado sa pagpapawis ng singit mo. “It really won’t let you down”, ayon kay Jay. Hindi ko pa ito nasusubukan at wala akong balak subukan 🙂
- Madalas kong pinupuna ang pagiging maputi at makinis ng isa kong machong opismeyt. Nahuli ko siya minsan sa drugstore na bumibili ng Fair and Lovely Night Cream na ayon sa kanya ay para sa esmi niyang nasa Pinas. Ang siste hindi ko naman siya tinatanong. Meron lang talagang madamot mag share ng kanilang mga beauty secrets.
- Marami pala akong kakilala na bumalik sa pananampalataya dahil sa anunsyo na magugunaw na ang mundo. Ei hindi natuloy. Edi balik silang lahat ngayon sa dating gawi. Ako? ok lang, “cease the moment” ang motto ko sa buhay lalo pa’t hindi ko naman mapipigilan kung bubuka ang lupa na tinutuntungan ko at ngatain ako na parang chichirya lang. Kung game over na at wala namang option to extend, edi Game Over!
- May nagtanong sa akin kamakailan kung paano daw ba reremedyuhan ang nag iinit na katawan. Nag init ang ulo ko at sinabihan siyang maligo araw-araw. Naisip kong walang masama sa tanong niya dahil mainit naman talaga ang panahon dito sa disyerto ngayon. Likas na yata sa akin talaga ang pagiging engot sa pag intindi sa mga tanong-slash-pahiwatig (ako na ang assuming) Lolz.
Enjoy the weekend my fellow desert dwellers!
Advertisements
bwaahahhaa kakaiba ka talag!
sobrang dami kong tawa sayo hehehe
Oo nga naman pag naiinitan edi magbabad at maligo, ang mahirap ang pangangati lalo na kung wala sa balat mahirap kamutin? lol…
Tamaaaah! ang dali lang maremedyuhan, hindi na kailangang imemorize pa!
Naku ewan ko ba kung ano ang meron dito sa disyerto at talagang kung ano-anong kati ang lumalabas lalo na kung TAG INIT. 🙂
ayun o! ikaw na ang assuming! ahahahhahaha! ang haba ng hair mo, teh! 🙂
Ms. Kaye di naman masyado, nagbabakasakali lang ako na iyon ang gustong ipahiwatig, tanungin ko kaya bwahahaha. Oo na kayo na ang nag enjoy sa swimming at talagang ipangalandakan ninyo sa buong earth na nag enjoy kayo. Inggit? ahahaha
kase naman dapat andito ka at nang makasama ka namin noh.
Yun nga kaso ang layo layo naman ng kinalalagyan ko ahahaha. Alam kong darating din iyang panahon na iyan, at makikilala ko rin kayong lahat ng personal 🙂
Ang deodorant ay ginagawa ko ding foot deodorizer. Effective!
Hindi nga! sabi mo ung pinapahid sa mukha ni Marian ang ginagamit mo sa paa na ginagaya ko naman. Niloloko mo ba ako Salbe? 🙂
naku marami kang dapat alamin tungkol kay salbe. ahahahahah! 😀
Mukha nga na wala pa sa katiting ang alam ko kay Salbe 🙂
Post kung post ang motto mo. Bow!
Musta na Pongkie!! na miss kita huh! malaki na ba? ang mga maskels mo? kakainggit ka alam mo yun, makikipag inuman ka sa mga bloggers soon. Kainis ka!
Welcome to Assumption University.
Pong, ikaw ba eh taga Assumption din?
🙂
The One-Stop University!
Naku, di po ako taga Assumption kuya, produkto po ako ng State College. Kaya hindi ako mapag-assume kagaya ng may-ari ng blog na ito. xD
At meron ka na ngayong pacarpe-carpe diem ngayon? xD
Hindi kasi nilinaw kung anong pananampalataya sila babalik. xD
Bakit pati ang deodorant ng mga players sa bball team inaalam kasi, yan tuloy maraming nagpaparamdam which leads to University of Assumption.
xD
Buhahahahhahaa.
Liga ng Barangay.
Swak na swak. Maraming magagaling sa Assumption University.
Ahahaha sinong Assumptionista dito huh? Mga sira! malay ko naman kung iyon ang gusto niyang ipahiwatig bwahahaha in short assuming nga bwahahaha