Naiinggit ako sa mga tao na talagang nilalapitan ng kanyang mga kaibigan dahil mayroon siyang tenga na handang makinig sa problema ng iba.

Kadalasan sa mga kaibigan ko, kapag napapansin ko silang seryoso sa usapan nila, unti-unti akong lumalapit para mag tengang kawali, ang siste babaguhin nila ang topic at mag papanggap na iba ang pinag-uusapan. Sa ganitong pagkakataon ako madalas napipikon, kinukulit ko sila at tinatakot para sabihin lang nila sa akin kung ano ang problema.

“Wag kang mag hihinga ng problema mo sa kanya kasi pagtatawanan ka lang niya o kung hindi man lalaitin ka pa…..”

Iyan ang karaniwan na misconception ng mga kaibigan ko sa akin. Hindi ko itinatatwa na madalas ko silang pinagtatawanan sa kanilang mga suliranin lalo pa’t katawa-tawa naman ito talaga.

WP: Ano ba ang problema mo, kanina ka pa mangiyak-ngiyak?

Opismeyt: Hindi ko kasi alam kung hanggang saan aabot ang relasyon namin ni Dennis, lab na lab ko kasi siya. Ano ba ang pwede kong gawin para hindi niya ako iwanan.

WP: Bumili ka muna ng matres! Kasunod na nun ang payo ko.

I mean watda lang talaga! may mga tao kasi na pinoproblema ang hindi naman talaga problema, o kung hindi man gagawa ng problema tapos mamomorblema samantalang ung ibang tao na gusto nilang problemahin ang problema nila ay may sarili rin naman problema na pinoproblema, linsyak pati sinasabi ko nagkakagulo na! watever! yun na yun!

Naniniwala rin ako na hindi lahat ng tao na lalapit sa iyo sa panahong nagigipit ka ay tutulong, yung iba usyoso lang talaga, mayroon din sasamantalahin pa ang sitwasyon mo. Maging Mapanuri, sabi nga ni Kuya Kim!

Advertisements