Kwento ng unang karanasan:

M: Ano na ba’t nakatanga ka pa diyan? akala ko ba gusto mo ito?
WP: Parang gusto ko yatang mag back out, parang di ko kaya.
M: Sandali ipupuwesto ko, ayan dali, sige na.
WP: Saan ba ako hahawak kasi.
M: Dito ka humawak hehehe
WP: Dito ba? F*ck! ang lakas ng pintig nagulat ako ahahaha
M: Nakiliti ka noh?
WP: Oo ahahaha
M: Kaya mo yan, akong bahala sa iyo.
WP: Basta dahan-dahan lang, takot pa kasi ako. Ikaw parang sanay na talaga!
M: Weh? di ka sanay talaga?
WP: Dinga! first time ko talaga.
M: Sandali pala! Isuot mo ito para safe.
WP: Kailangan ba iyan talaga?
M: Oo para safe nga.

one hour later……

M: Ano? Nag enjoy ka ba?
WP: Super dupper enjoy!!!! ang sarap lalo na pag mabagal tapos pabilis ng pabilis.
M: Kaya pala kapit na kapit ka eh nung mabilis na.
WP: Nahalata mo? ahahaha
M: Oo 🙂
M: Bukas ulit?
WP: Sige, same time? Di kaya hanap hanapin ko ito? Ok lang ba sa iyo kong araw-araw-arawin natin? Kaso baka maadik ako.
M: Sabi ko sa iyo mag eenjoy ka eh. You can have my baby anytime, basta ikaw.
WP: Thanks!

Dapat pala noon pa ako nag aral magpa-andar ng motorsiklo, ang sarap-sarap lalo na sa highway. Uulit-ulitin ko ito talaga!!!

Advertisements