Matagal-tagal na rin yung huling post ko, hindi naman sa tinatamad ako sa lagay na iyan, medyo wala lang sa tono lately sa opisina. Naisipan kong mag blog ngayong gabi, wala lang, naalala ko kasi na end of the world na bukas kaya sasamantalahin ko na, at least bago man lang magsara ang lahat ng magsasara eh may nai-paskil pa ako LOL πŸ™‚

  • Kahit hindi ko naman talaga gusto si Anne Curtis, pinanonood ko ang pelikula nila ni Luis Manzano na “Who’s that girl” nuong isang araw. Kung nagkataon na wala si Eugene Domingo sa pelikula, malamang ay nakatulog ako sa umpisa pa lang ng palabas. Totoo palang pagkalaki-laki ng bunganga nitong si Anne Curtis.
  • Naaliw ako sa isang pinoy na kapitbahay namin kanina, aba parang hindi end of the world bukas kung maka-kanta ng β€œHold me”, maayos naman ang pagkakahagod niya lalo na sa linyang β€œSo won’t you hold meeeeh, and touch meeeh, make me your woman tonight….” kung hindi lang masama mambuhos ng ihi, malamang may naligo kanina bwahihihi
  • Dalawang araw na akong sunod na nahuhuli sa pag gising hindi kaya senyales ito na unti-unti ng naglalaho ang excitement ko sa bago kong tinitirhan?
  • Isang araw nagising na lang ako na laman na pala ako ng usap-usapan sa tabi-tabi. Ano ang reaksyon ko? Wala! Enjoy akong sumakay ng habal habal eh! ngayon pa ba ako magpapaapekto samantalang May 21 na bukas, sawa-sawa na ito mga tsong at tsang.
  • At dahil basurero yata ako sa past life ko, nakagawa na naman ako ng isang simpleng kuwadro gamit ang isang lumang kalendaryo at frame na pakalat-kalat na lang sa opisina.
  • Napapansin ko lately na napapadalas na ang pagsakit ng ulo ko. Sana huwag humantong ito sa pagsusuot ko ulit ng salamin.
  • Naiirita ako sa isa kong kasamahan sa trabaho na tatawagin kong “Bato” dahil epal siya masyado; alam mo yung epal na sugod ng sugod tapos wala naman palang bala. Kainis din siyang kausap dahil sobra kung ilapit niya ang mukha niya sa mga kausap niya, minsan napaigtad ako dahil akala ko ililips-to-lips niya ako yun pala itatanong lang niya kung ano ang lunch ko watda.
  • Namumuro na rin sa akin ang isa ko pang kasamahan na si Luzviminda, mahirap siyang kausap dahil ang simpleng tanong na pwede namang sagutin ng OO o HINDI nagiging isang mahaba at nakakapagal na kwento pagdating sa kanya, maluluma talaga yung huling laban ni Pacquiao sa dami ng kanyang patalastas. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay may magpasak ng mop sa bunganga niya para lang siya manahimik.
Advertisements