Blogging

Putangina ang tagal na pala nung huli akong nag blog, ano na kaya ang nangyari sa mga kakulitan ko dati sa blogging world? buhay pa kaya sila, lalake pa kaya yung mga hinahangaan kong mga blogger na macho dati o nagpalit na rin sila ng panamamampalataya.

Ang siste wala namang major major happenings na nangyare sa buhay ko mula ng tumigil ako sa pag susulat maliban sa nag biyahe ng kaunti at nag lovelife at nabigo, nag lovelife ulit pero nadenggoy naman dahil lalake din pala ang  hanap ng kinanginang lalake na yun, nag lovelife ulit, pero tinamaan naman ako ng katamaran na pumag ibig, totoo pala na minsan nakakasawa din ang pumag ibig, ang daming requirements na kailangan i-meet letche!

Dahil sawang-sawa na ako sa buhay ko at kesa naman magpakamatay ako,  nag manage ako ng  company basketball team para na rin malibang habang nakikipagsapalaran dito sa disyerto, nag enjoy ako nung una pinagkakaguluhan ako ng mga lalake at feeling ko importante ako sa buhay nila  kahit alam kong k*p#  este kayamanan ko lang ang habol nila lols, ang siste kinatatamaran ko na rin ito ngayon.

Isa na lang siguro ang pwede kong gawin sa buhay kong walang kabuhay-buhay, ang sumubok ulit sumulat dito sa kuta ko.  Umaasa akong manunumbalik ang dati kong sigla at sana makadaupang palad ko ulit yung mga bloggers na hinangaan ko dati.  Gudlak WP!

Advertisements